ni Jeff Tumbado | March 4, 2023
Asahan na umano ng mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ang mataas na singil sa kuryente ngayong Marso dahil sa nagmahal na halaga ng suplay.
Ayon sa Meralco, tumaas ang presyuhan ng suplay ng kuryente bunsod ng halos dalawang linggong maintenance shutdown at gumagamit na ng mas mahal na fuel ang mga planta sa halip na natural gas.
“Sana ‘di umabot ng piso pero baka malapit sa piso so eh ‘di pa natin alam kasi wala pang billing. Kung diesel pa lang ang titingnan mo nasa around 70-80 centavos na,” pahayag ni Atty. Ronald Vallez, head ng Meralco Regulatory Affairs.
Sa gitna ng inaasahang dagdag-singil, naghahanap na ng paraan ang Meralco upang hindi maging matindi ang epekto nito sa mga kustomer.
“We plan to write to the ERC to request for assistance kung paano ima-manage and I am taking generators to request kung pwedeng i-defer ng ilang buwan ang mga collection para mahati ang impact sa customers kasi medyo malaki nga,” ani Vallez.
Comments