top of page
Search
BULGAR

Dagdag-sahod vs. taas-presyo

ni Madel Moratillo | February 12, 2023




Pinag-aaralan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang hirit na P100 umento sa sahod sa National Capital Region. Ayon kay Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma, sa ngayon ay patuloy ang mga ginagawang konsultasyon ng board hinggil dito.


Ang petisyon para sa P100 wage hike sa NCR ay inihain noong Disyembre ng nakaraang taon ng ilang labor group.


Nakasaad sa petisyon ang mataas na inflation kaya naman kailangan na rin umanong itaas ang suweldo ng mga manggagawa sa rehiyon.


Ayon kay Laguesma, kasama sa ikukonsidera ng wage board ang sitwasyon ng mga manggagawa at employer bago magdesisyon.


Giit ng opisyal, kailangang balansehin ang sitwasyon at tingnan lahat ng maaapektuhan.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page