top of page
Search
BULGAR

Dagdag-sahod sa titser, pinag-aaralan pa — DepEd

ni Madel Moratillo @News | July 12, 2023




Pinag-aaralan pa ng Department of Education (DepEd) ang panawagan para sa dagdag-sahod sa mga guro.


Gayunman, paliwanag ni DepEd spokesperson Michael Poa, hindi puwedeng sila lang ang magdesisyon sa wage hike.


Nabatid na kumuha na ang DepEd ng serbisyo ng third party experts para alamin kung competitive pa ang suweldo ng mga guro.


Nais din aniya nilang malaman ang tamang rate ng dagdag na kanilang ibibigay dahil sa epekto ng inflation.


Bilang sagot naman sa ulat na may ilang guro ang hindi pa nakakatanggap ng performance-based bonus noong 2021, tiniyak ni Poa na makukuha na nila ito pagkatapos ng processing sa loob ng 2 hanggang 3 linggo.


Iginiit din niya na walang nangyaring delay, kundi dahil ito sa proseso.


“It’s really the process, talagang may reconciliation 'yan because 2021 'yung pinag-uusapan natin na bonus year, so we have to make sure na 'yung mga empleyadong tatanggap ay 2021," pahayag ni Poa.


Comentarii


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page