ni Lolet Abania | May 18, 2022
Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Miyerkules na inaprubahan na ng regional wage boards ng Ilocos, Cagayan Valley, at Caraga ang dagdag sa minimum wages ng mga manggagawa sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang kanya-kanyang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng Regions I, II, at XII ay nag-isyu ng mga kautusan hinggil sa pagtataas ng minimum wages sa kanilang mga lugar.
Para sa Ilocos Region, ayon sa DOLE ang RTWPB I ay nag-isyu ng Wage Order No. RB1-21 noong Mayo 16, kung saan magbibigay ng wage increase na naglalaro sa P60 hanggang P90 sa dalawa hanggang tatlong tranches.
“After full implementation of the tranches, the minimum wage rate in the region will range from P372 to P400 from P282 to P340 under the previous Wage Order,” pahayag ng DOLE. Gayundin, nai-grant ng Ilocos wage board ang P500 at P1,500 monthly wage increases para sa mga domestic workers sa lungsod at sa mga first-class municipalities at iba pang munisipalidad, ayon sa pagkakasunod, kung saan umabot ang bagong buwanang wage rate sa P5,000.
Para sa Cagayan Valley Region, ayon sa DOLE ang RTWPB II ay nag-isyu ng Wage Order No. RTWPB-02-21 noong Mayo 17, anila, “granting wage increases ranging from P50 to P75 in two to three tranches.” “After full implementation of the tranches, the minimum wage rate in the region will range from P400 to P420 from P345 to P370 in the previous Wage Order,” saad ng DOLE.
Para sa Caraga Region, ayon sa DOLE ang RTWPB XIII ay nag-isyu ng Wage Order No. RXIII-17 noon ding Mayo 17, kung saan anila, “integrated the P15 COLA or cost of living allowance to the P305 basic salary under the previous Wage Order and granted a P30-wage increase bringing the new daily minimum wage rate in the region to P350.”
“The new daily minimum wage rate of P350 shall take effect upon the effectivity of the Wage Order for private establishments and their workers in Butuan City and the provinces of Agusan del Norte, Agusan del Sur, and Surigao del Sur,” sabi ng DOLE.
“However, for private establishments and their workers in the provinces of Dinagat Islands and Surigao del Norte, including Siargao Islands, the wage increase of P20 shall take effect upon the effectivity of the Wage Order and another P10 shall take effect on September 1, 2022,” dagdag ng ahensiya.
Sinabi naman ng DOLE na ang latest batch ng wage orders ay isusumite nila sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para i-review habang magiging epektibo ito 15 araw matapos na mailathala sa isang pahayagan ng regional circulation.
Gayunman, ayon sa DOLE na sa ilalim ng Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, “retail/service establishments regularly employing not more than ten workers and establishments affected by natural calamities and/or human-induced disasters, including the pandemic, may apply for exemption from compliance with the issued Wage Orders.”
Comentarios