top of page

Dagdag sa minimum wage, aprub ng NCR at Western Visayas wage boards – DOLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2022
  • 3 min read

ni Lolet Abania | May 14, 2022



Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Sabado na ang National Capital Region (NCR) at Western Visayas wage boards ay inaprubahan nang itaas ang minimum wage ng mga manggagawa sa naturang rehiyon.


Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na noong Mayo 13, 2022, nag-isyu ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR ng Wage Order No. NCR-23.


Batay sa order, P33 ang wage increase, kung saan ang bagong minimum wage rate ay P570 para sa mga manggagawa na nasa non-agriculture sector, at P533 para sa mga manggagawa na nasa agriculture sector, ayon sa DOLE.


“It is expected to protect around one million minimum wage earners in private establishments in the region from undue low pay. The increase considered the restoration of the purchasing power of minimum wage earners because of the escalating prices of basic goods, commodities, and petroleum products,” paliwanag ng DOLE.


Matatandaan na ang huling wage order para sa mga manggagawa na nasa mga pribadong establisimyento sa NCR ay naging epektibo noon pang Nobyembre 22, 2018.


Gayunman, ang inaprubahang minimum wage hike ay napakalayo sa minimum wage hike petitions na inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) noong Nobyembre 25, 2019 at Metro East Labor Federation (MELF) noong Marso 4, 2022, na kapwa humihiling ng P213 increase, at isa pang petisyon mula naman sa Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER) noong Marso 4, 2022 na may panukalang dagdag-sahod na naglalaro sa P213 hanggang P250.


Mababa rin ito kumpara sa apela ng Trade Union Congress of the Philippines’ (TUCP) para sa P470 increase sa daily minimum wage sa NCR upang maging P1,007, kung saan agad ni-reject ng RTWPB-NCR.


Una nang ipinag-utos ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa RTWPBs sa buong bansa na repasuhing mabuti ang minimum wages.


Ayon pa kay Bello, ang kasalukuyang P537 daily minimum wage sa NCR ay hindi na magiging sapat para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at bilihin gaya ng pagkain, electricity, at water bills.


Kaugnay nito, mayroong 10 petisyon ng dagdag-sahod na inihain sa anim na regional wage boards kabilang ang NCR, Regions 3, 4A, 6, 7, at 8.


Samantala, nag-isyu rin ang RTWPB-VI ng Wage Order No. RBVI-26 para sa Western Visayas.


Batay sa latest order ng Western Visayas wage board, may dagdag-sahod sa mga manggagawa na nasa non-agriculture, industrial at commercial establishments ng P55 at P110, na aabot na sa daily minimum wage sa rehiyon ng P450 at P420 para sa mga nagpapatrabaho nang mahigit 10 manggagawa at iyong nag-e-employ ng 10 o mas kaunting manggagawa, ayon sa pagkakasunod.


“In addition, the Board granted a P95 increase for workers in the agriculture sector bringing the daily minimum wage to P410,” sabi ng DOLE.


Sinabi rin ng DOLE na inaasahang ang minimum wage hike sa Western Visayas ang poprotekta sa tinatayang 214,836 minimum wage earners sa mga pribadong establisimyento sa rehiyon mula sa tinatawag na undue low pay.


“The increase considered the restoration of the purchasing power of minimum wage earners because of the escalating prices of basic goods, commodities, and petroleum products as well as to bring the minimum wage rate above the 2021 first semester poverty threshold,” pahayag ng ahensiya.


Binanggit pa ng DOLE, “Western Visayas wage board issued Wage Order No. RBVI-DW-04 which provided a wage increase of P500 bringing the new monthly minimum wage rate for domestic workers to P4,500.”


“The last Wage Order for workers in private establishments and for domestic workers in Western Visayas took effect on November 26, 2019 and May 8, 2019, respectively,” ani ahensiya.


Paliwanag pa ng DOLE, ang NCR at Western Visayas wage orders ay isusumite sa National Labor Relations Commission (NLRC) para i-review habang magiging epektibo ito 15-araw matapos mailathala sa pahayagan ng general circulation.


1 comentário


Jestea Casador
Jestea Casador
18 de mai. de 2022

hi where can we find the copy of the said order/memorandum?

Curtir

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page