ni Mai Ancheta @News | Feb. 15, 2025
![Sen. Ronald Bato Dela Rosa at Akbayan Rep. Perci Cendaña - FB](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_0ba5d264f490480592bab2246c13d076~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_0ba5d264f490480592bab2246c13d076~mv2.jpg)
Photo File: FP
May nakaumang na panibagong taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, ang inaasahang pagtaas sa presyo ng petrolyo ay dahil sa lumalalang tensiyon sa Middle East at sa tumitinding sanction ng Estados Unidos sa Iran at Russia.
Dahil sa patuloy na tensiyon, tumaas ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan na nakaapekto sa maraming bansa.
Narito ang pagtaya ng Oil Industry Management Bureau sa magiging price adjustment sa produktong petrolyo kada litro:
Gasoline - P0.45-P0.75
Diesel - P0.30-P0.60
Kerosene - P0.15-P0.30
Inaasahang ihahayag ng mga oil player sa Lunes ang panibagong price adjustments na magiging epektibo sa Martes.
Comments