top of page
Search
BULGAR

Dagdag-presyo sa LPG, bad na Pamasko ng Marcos admin

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 1, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PBBM ‘WEAK LEADER’, PINUTAKTI NA SIYA NG ATAKE NG MGA DUTERTE, ATRAS SIYA SA IMPEACHMENT KAY VP SARA -- Hindi nagustuhan ng mga Makabayan bloc representatives ang panawagan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na huwag i-impeach si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, na ayon kina ACT Teacher Partylist Rep. France Castro, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ay pagpapakita ito na weak leader si PBBM.


May punto ang Makabayan bloc representatives na sabihang weak leader si PBBM kasi sinabihan na siyang drug addict, nagbantang huhukayin sa Libingan ng mga Bayani ang ama niyang si ex-Pres. Ferdinand Edralin Marcos, Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea (WPS), pinagbantaang pupugutan siya ng ulo, minura at pinagbantaan ding ipapa-assassinate siya, pati  ang kanyang misis na si First Lady Liza Araneta-Marcos at pinsang si Speaker Martin Romualdez, ay gusto pang harangin ang impeachment laban kay VP Sara, period!


XXX


PBBM, INAKALA NG PUBLIKO NA ASTIG NA HINDI PA PALA, ‘LUMAMBOT’ SA ISYUNG IMPEACHMENT KAY VP SARA -- Matapos pagbantaan ni VP Sara na ipapa-assassinate niya sina PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez, ay sinabi ng presidente na hindi niya mapapalampas ang pagbabanta ng bise presidente, na kesyo papalagan daw niya ito.


Inakala ng publiko na astig na si PBBM pero nang mabalitaan niya na may mga Duterte

Diehard Supporters (DDS) na nagra-rally sa EDSA Shrine, ay “lumambot” ang Presidente, biglang nanawagan sa Kamara na huwag i-impeach si VP Sara. Marahil sa takot na baka ‘pag na-impeach ang bise presidente, ay magkaroon ng People Power at mapatalsik siya sa poder, boom!


XXX


SECURITY OFFICERS NG OVP ANG MANDATO NINA COL. LACHICA AT COL. NOLASCO AT HINDI DAPAT TAGABIGAY NG CONFI FUNDS -- Sinibak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr. sina Army Col. Raymund Lachica at Army Col. Dennis Nolasco bilang mga security officer ng Office of the Vice President (OVP) matapos na idawit nina OVP disbursing officer Gina Acosta at former Dept. of Education (DepEd) disbursing officer Edward Fajarda ang kanilang mga pangalan na sa kanila napunta ang milyun-milyong pisong confidential funds at sila ang namimigay ng reward sa mga recipient ng condi funds.


Tama ang ginawang pagsibak ni Gen. Brawner kina Col. Lachica at Col. Nolasco kasi ang mandato nila ay bilang mga security officer at hindi tagabigay ng confi funds, period! 


XXX


BAD NA PAMASKO SA MAMAMAYAN ANG INAPRUB NG MARCOS ADMIN NA TAAS-PRESYO NG LPG -- Inanunsyo ng mga Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag na P1.20 sa presyo ng kada kilo ng LPG ngayong raw na ito. 


Iyan ang bad na pamasko ng Marcos admin sa publiko, buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page