top of page
Search
BULGAR

Dagdag-pasahero sa MRT at PNR, oks na!

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 19, 2020




Tinaasan na ng mga train lines sa Metro Manila ang dating 13 to 18 percent passenger capacity sa 30% ngayong Lunes.


Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, kahit dumoble na ang bilang ng mga pasahero ay kailangan pa ring sundin ang minimum health standards katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing, at bawal din ang pagsasalita o pakikipag-usap sa cellphone pati na rin ang pagkain sa loob ng tren.


Aniya, "Ang panawagan lang namin sa aming mga pasahero is to continue supporting our health protocols including that of contact tracing habang inaayos namin ang mas mabilis na contact tracing na hindi na sila magpi-fill-up ng application form.”


Ang first trip umano ng tren ay simula 5 AM at ang last train naman mula sa North Avenue ay hanggang 9:11 PM, habang ang last train mula sa Taft Avenue ay hanggang 10:10 PM.


Samantala, under monitoring umano ang 2 personnel ng MRT-3 sa COVID-19 at pareho na itong sumasailalim sa isolation, ayon kay Capati.


Nagtaas na rin ang Philippine National Railways ng passenger capacity sa 30 percent, ayon kay General Manager Junn Magno.


Ang operasyon ng tren ay mula sa Malabon hanggang Calamba simula 4:30 AM hanggang 8 PM.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page