ni Lolet Abania | January 12, 2023
Nag-abiso na ang mga concessionaires na Manila Water Company, Inc. (Manila Water) at Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa kanilang mga kostumer ng pagtaas sa water rates ngayong Enero.
Batay sa report ng GMA News, ang taas-singil sa water rate ng dalawang kumpanya ay inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board noong Nobyembre 2022.
Nasa P8.04 per cubic meter ang ipapatupad na rate hike para sa mga kostumer ng Manila Water, habang nasa P3.29 per cubic meter naman sa mga konsyumer ng Maynilad.
Ayon sa MWSS, bahagi ito ng rate rebasing adjustments na ipapatupad mula 2023 hanggang 2027.
“Ito po kasi ay mga projects na na-advance nila at ginagastusan pa po nila tuloy-tuloy po ‘yan at kailangan din po nila ma-recover ‘yan so kaya nga po in-approve natin ‘yung projects to ensure that the service will be improved,” pahayag ni Atty. Patrick Lester Ty, chief regulator ng MWSS regulatory office.
Ilan sa mga kostumer, gaya ng car wash owner at may-ari ng karinderya, ang nagsabing magiging mabigat na naman ito para sa kanila dahil sa bumabangon pa lamang ang karamihan ay may nakaamba nang pagtaas ng tubig at imbes na ang tutubuin sa kanyang negosyo ay mapupunta sa dagdag pambayad sa water bill.
Subalit paliwanag ni Ty, “If we keep on delaying this, lalaki at lalaki po ito, kasi ito pong deferral nag-a-accumulate. ‘Pag hindi po makuha ito ay ide-delay po nila ‘yung mga ibang proyekto kasi hindi po nila kayang i-advance ito.”
Comentarios