top of page
Search
BULGAR

Dagdag-leave sa mga empleyado, pinalagan

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 3, 2021




Pinalagan ni President Sergio Ortiz-Luis ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang mga isinumiteng ‘employment leave’ sa Senado, batay sa naging panayam sa kanya ngayong umaga, Mayo 3.


Kaugnay ito sa 5-day mental wellness leave at 10-day paid leave para sa mga empleyadong tatamaan ng COVID-19 na ipinasa sa House of Representatives kamakailan.


Ipinaliwanag niyang maaari namang gamitin ang ibang leave category kung saan magiging bayad pa rin ang araw na hindi papasukan ng isang manggagawa.


Aniya, "Napakadami na, lalo pa nga sa mga babae. 'Pag kinuwenta mo ‘yung mga leave, pati maternity leave, halos wala nang matira sa pagtatrabaho… Hindi lang hindi timely, napakaraming leave na naiisip, meron namang existing leave na magagamit. Pag-isipan muna natin paano makakagawa ng jobs at paano gaganda ang ating trabaho at marami sa 'tin ang makapasok.”


Sa muling pagbubukas ng ekonomiya ay maraming manggagawa na ang nakabalik sa trabaho. Ilang oportunidad na rin ang nagbukas para sa mga unemployed at maraming maliliit na negosyo ang puwede na uling mag-operate.


Inaasahan namang masusunod pa rin ang ipinatutupad na health protocols, partikular na sa mga pampublikong transportasyon at mga establisimyento upang maiwasan ang hawahan sa COVID-19.

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page