top of page
Search
BULGAR

Dagdag-incentives para dumami ang nagpapabakuna kontra-COVID-19

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Pinag-iisipan ng gobyerno na magbigay ng mas maraming insentibo sa mga indibidwal na nabakunahan na laban sa COVID-19, ayon sa isang opisyal.


Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magkaroon ng mga incentives para mahikayat ang mas maraming indibidwal na magpabakuna.


“'Yung doon sa mga nabakunahan, probably they might have certain incentives also that the IATF will be discussing,” ani Lopez sa briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. ngayong Lunes.


Ilan sa posibleng ibigay nilang incentives ay payagan ang mga nabakunahan na lumabas na ng kanilang tirahan at mabigyan naman ng mas maikling quarantine period para sa mga travelers.


Matatandaang nito lamang buwan, ipinatupad na ng pamahalaan ang mas maikling quarantine period para sa fully vaccinated na inbound travelers sa bansa, na 7 araw na lamang mula sa dating 14 na araw.


“Similar moves will be undertaken, will be studied, para naman may benepisyo du’n sa mga nagpabakuna and which is we have been assuring also the public,” saad ni Lopez.


“Ang talagang benepisyo ru’n sa mga nagpabakuna ay siguradong hindi kayo mamamatay (sa COVID-19), ‘yun ang pinaka-safe at pinakamagaling na benepisyo sa inyo,” dagdag ng kalihim.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page