top of page
Search
BULGAR

Dagdag-contact tracers, dagdag-gastos lang kung marami pa rin ang pasaway

@Editorial | June 22, 2021



Humirit ang Metro Manila Council (MMC) ng 5,000 contact tracers bilang paghahanda sa Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).


Bukod sa nasabing karagdagang contact tracers, dapat tuloy din umano ang swabbing, testing at isolation. Ganundin ang pagpapatupad ng istriktong border controls para masawata ang Delta variant.


Ang tanong, epektibo pa rin kaya ang contact tracing kung sinasabayan ng mga pasaway sa health protocols?


Batid natin ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga posibleng nahawaan ng COVID-19 dahil sa pamamagitan nito ay nakokontrol ang pagkalat ng virus. ‘Pag tukoy na ang mga posibleng nahawaan ng virus, mas madali ring mapagtutuunan ng pansin ang mga pasyenteng maaaring malagay sa mas alanganing sitwasyon.


Ang problema, kapansin-pansin ngayon na habang lumuluwag ang community quarantine ay tila nagiging pasaway na ang publiko. Marami na ang nakakalimot sa pagsunod sa mga protocols laban sa COVID-19.


Noong Father’s Day lang, sa kabila ng ipinagbabawal ang paglabas sa mga bata, ‘yun at naispatang namamasyal at wala pang suot na facemask.


May mga nahuli pang nagpa-party sa loob at labas ng bahay — dikit-dikit, iisa ang tagayan, share-share sa pulutan, malalang party talaga na para bang walang virus sa paligid.


Kung ganito ang eksena at palaging may magpopositibo at poproblemahin na naman ng gobyerno kung paano sila isa-isang tutuntunin, gagamutin at bibigyan ng maayos na quarantine facility, ano nang mangyayari? Ito ba ang ‘new normal’? Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page