ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 25, 2021
Nanawagan ang OCTA Research group sa pamahalaan na kumuha ng mas marami pang contact-tracers upang maiwasan ang transmission ng mas nakakahawang Delta COVID-19 variant.
Saad ni OCTA Research fellow Guido David, "We would really like to have more testing out there, lalo na sa ating mga probinsiya. We would like to have more of budget na tuluy-tuloy for contact tracing all throughout this year.”
Matatandaang kamakailan ay na-detect ng Department of Health (DOH) ang apat na karagdagang kaso ng Delta variant sa bansa.
Sa kabuuang bilang ay 17 na ang kaso ng Delta COVID-19 variant sa 'Pinas na unang na-detect sa India.
Samantala, nananatiling suspendido ang pagpapapasok ng mga biyahero mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Comments