ni Mary Gutierrez Almirañez | May 20, 2021
Dumating na sa ‘Pinas ang karagdagang 500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines galing Beijing, China.
Ayon sa ulat, ang naturang bakuna ay sinalubong ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 pasado alas-8 nang umaga ngayong May 20.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 5.5 million doses ng Sinovac ang nakarating sa bansa, kabilang ang donasyong 600,000 doses nu’ng February 28 at ang 400,000 doses nu’ng March 24.
Kasama rito ang biniling 1 million doses ng gobyerno na dumating nu’ng March 29 at ang 500,000 doses nu’ng April 11. Kaagad din itong sinundan ng karagdagang tig-500,000 doses nu’ng April 22 at 29. May 7 naman nu’ng dumating ang 1.5 million doses na inihatid ng Cebu Pacific flight.
Comments