ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 28, 2023
Nagbigay ng ayuda ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisda sa south-central Mindanao na naapektuhan ng lindol noong ika-17 ng Nobyembre.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng tulong ng ahensiya.
"I came here to personally see the situation after the earthquake,” saad ni Laurel.
“I want to see first-hand what happened here and how we can help our farmers and fishermen in Region XII, in Gensan and neighboring provinces,” dagdag niya.
Ayon sa DA, nakipagtagpo si Laurel sa mga irrigator groups sa Koronadal City upang pangunahan ang pamamahagi ng National Irrigation Administration ng mga kagamitan at tseke na nagkakahalaga ng P26.3 milyon para sa indemnity at mga loan sa South Cotabato.
Sa General Santos City, ipinamahagi naman ng DA chief ang mga vegetable seeds, coconut and banana planting materials, fertilizers, at indemnity claims na nagkakahalaga ng P4.7 milyon.
Bukod dito, tatlong grupo mula sa DA ang ipinadala upang makatulong sa patuloy na pagsusuri sa iba't ibang lugar sa Rehiyon XII na naapektuhan ng lindol.
Comments