top of page
Search
BULGAR

DA naglaan ng P822 M para sa mga nasalanta ng bagyong Maring

ni Jasmin Joy Evangelista | October 19, 2021



Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P822 milyon para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Maring.


Kabilang sa mga naapektuhan ay palay, mais, high value crops, livestock at fisheries, irrigation, at agri-facilities.


“We will continue to provide our typhoon and flood-affected farmers and fisherfolk in Northern Luzon and other areas with immediate aid and much-needed assistance to recover and start anew after the damage and loss in their livelihood and income,” ani DA Secretary William Dar.


Sa nasabing halaga, P650 milyon ang ilalaan sa emergency loans sa ilalim ng SURE (Survival and Recovery) Calamity Loan Assistance Program.


Dito ay maaaring makahiram ang mga nasalantang magsasaka at mangingisda ng P20,000 nang walang interes, collateral, at puwedeng bayarang ng hanggang 10 taon.


Samantala, ang P172 milyon naman ay gagastusin para sa Quick Response Fund (QRF), o rehabilitasyon ng mga agricultural area na sinira ni Maring.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page