ni BRT @News | August 18, 2023
Nagsampa na ng reklamo ang Hijos Del Nazareno na binubuo ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church laban sa drag artist na si Amadeus Fernando Pagente alyas “Pura Luka Vega”.
Sinabi ng grupo na lumabag ang drag queen sa Revised Penal Code, Article 201, in relation to Section 6 at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Office of the City Prosecutor sa Manila City Hall.
Sinabi ng grupo na labis silang nasaktan at inilarawan nilang imoral at pambabastos sa Diyos ang ginawa ni Pura Luka Vega.
Hindi rin umano magandang halimbawa sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan ang ginawa ni Pura Luka, kaya nararapat lamang ayon sa grupo na dalhin na sa korte ang mga pagkakamali at kalapastanganan ni Pagente.
Comments