top of page
Search

CVHRDC tinukoy ang mga priyoridad na layunin sa sektor ng kalusugan para sa 2023

BULGAR

ni Fely Ng @Bulgarific | February 14, 2023




Hello, Bulgarians! Ang Department of Science and Technology (DOST) Region 2 sa pamamagitan ng Cagayan Valley Health and Development Consortium (CVHRDC) at Philippine Council Health Research and Development Consortium (PCHRDC) ay nagsagawa ng dalawang araw na Operation Planning Workshop noong Pebrero 1 hanggang 2, 2023.


Ang operational planning ay isinagawa para sa komite na magkaroon ng malalim na pag-unawa at pangunahing direksyon sa operasyon ng CVHRD ngayong 2023. Ito ay itinatag din bilang tugon sa patuloy na pag-iingay ng mga tao sa naturang rehiyon na i-localize ang mga solusyon sa mga problema sa kalusugan sa pamamagitan ng Research and Development (R&D).


Ang Regional Director ng DOST Region 2 na si Dr. Virginia G. Bilgera, ay hinikayat ang mga kalahok na matuto nang higit pa tungkol sa mga paraan kung saan sila nagtutulungan, naglilingkod at nauunawaan ang problema ng sektor ng kalusugan.


“Let us redefine our approach and start recalibrating our priority goals to ensure that everyone everywhere is able to enjoy the highest attainable standard of health,” pahayag niya.


“Think further, the opportunities are already in our table to bring high quality and specialized care to everyone,” dagdag pa niya.


Samantala, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang mga operational plan sa ikalawang araw nito na binubuo ng iba’t ibang komite tulad ng Governing Board, Capacity Building Committee, Research Ethics Committee, Research Management Committee, Research Utilization Committee at Structure Organization Monitoring and Evaluation Committee.


Ang nasabing workshop ay dinaluhan ng mga opisyal ng CVHRDC sa pamumuno ni Executive Director Julius T. Capili kung saan ipinakita niya ang Accomplishment Report para sa taong 2022 na sinundan ng Monitoring and Evaluation na iniulat ng Regional Program Officer ng DOST-PCHRD-Institution Development Division atbp.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Bgy. Tatalon, Quezon City.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page