top of page
Search
BULGAR

Customs commissioner, ‘nganga’ lang sa mga smuggler sa Adwana

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov. 29, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PDEA, SERMON ANG INABOT SA QUADCOMM AT SA MAKABAYAN BLOC MEMBER KASI ISINAMA SA DRUGS MATRIX SI SEN. BONG GO NA HINDI NAMAN SANGKOT SA DROGA -- Mali ang akala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Asst. Sec. Renato Gumban na matutuwa sa kanya ang Quad Committee ng Kamara nang isama niya sa illegal drugs matrix si Sen. Bong Go, kasi imbes papuri ay sermon ang inabot niya sa mga kongresista.


Sa presentasyon kasi ng PDEA patungkol sa illegal drugs matrix ay nagtaka ang mga QuadComm member kung bakit naisama ang pangalan ni Sen. Bong Go kaya’t inusisa ni ACT Teacher partylist Rep. France Castro si Gumban kung sangkot sa kalakaran ng droga ang senador, at ang tugon nito (Gumban) ay hindi raw at kaya lang daw nila isinama sa matrix si Sen. Bong Go ay dahil kakilala raw nito si Alan Lim na nasasangkot daw sa droga. At dahil diyan ay nabuwisit ang mga kongresista, sinermunan nina Cong. Castro, QuadComm chairman Surigao del Sur Rep. Ace Barbers at Manila 6th Dist. Rep. Bienvenido Abante ang mga taga-PDEA na huwag magsama sa matrix ng pangalang hindi naman sangkot sa droga at huwag gagamitin ang komite para siraan ang senador.

Ibig sabihin niyan, sablay ang matrix ng PDEA kaya sermon ang inabot nila sa QuadComm at maging sa kilalang kritiko ng mga Duterte na si ACT Teacher Rep. Castro dahil hindi sila naniniwala na sangkot sa droga si Sen. Bong Go, period!


XXX


SABLAY ANG PRESENTASYON NI TRILLANES -- Sablay din ang presentasyon ni former Sen. Antonio Trillanes nang idawit din nito ang pangalan ni Sen. Bong Go sa mga taong isinasangkot niya sa droga, kaya’t nang matapos ang presentasyon ay tinanong siya nina Bukidnon Rep. Jonathan Flores, Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan at Batangas 2nd Dist. Rep. Jinky Luistro kung ano ang batayan ng kanyang mga alegasyon, at ang tanging nasabi ng dating senador ay ibinase lang niya sa mga interview kina former police officers Arturo Lascanas, Eduardo Acierto at mga clippings ng mga diyaryo.


Dahil sa kawalan ng interes sa presentasyon ni Trillanes kasi nga lumalabas na ito ay hearsay lang, tinapos na ng QuadComm ang hearing, he-he-he!


XXX


VP SARA NA IBINOTO NG 32M PINOY, PINAGRE-RESIGN NI GADON NA LAGING TALUNAN SA ELEKSYON --Nanawagan si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na mag-resign na sa puwesto kaysa patalsikin ng Kamara sa pamamagitan ng impeachment.


Iyan naman ang hindi katanggap-tanggap sa publiko, na’yung laging talunan sa eleksyon na si Gadon ay pinagre-resign si VP Sara na ibinoto ng higit 32 milyong Pinoy, period!


XXX


CUSTOMS COMMISSIONER ‘NGANGA’ LANG SA GRUPO NG MGA SMUGGLER SA ADWANA -- Hanggang ngayon ay patuloy ang raket na smuggling sa Customs ng "Teves Group" at "Kimberly Group."


Grabe ah, grupo-grupo na pala ang mga nagsasagawa ng smuggling sa Adwana, pero ang Customs Comm. na si Bienvenido Rubio, “nganga” lang, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page