ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021
Ipapatupad na ang pinaikling curfew hours na 12 MN hanggang 4 AM sa Metro Manila simula bukas, June 15, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na baguhin ang dating curfew hours na 10 PM hanggang 4 AM sa isinagawang meeting noong Linggo nang gabi.
Saad pa ni Abalos, “Starting June 15, in-adjust na ng Metro Manila mayors ang curfew sa Metro Manila. Hindi na 10 o’clock, magiging 12 o’clock to 4 o’clock ang curfew.”
Aniya pa, “This will give more time sa mga taong kakain sa restaurants, sa mga malls na magbukas, sa travel time, at siguro, makatulong sa ekonomiya.”
Commenti