ni Gerard Peter - @Sports | March 1, 2021
Nahirang na bagong International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion ang Zamboanga-native na si “Mighty Mouse” Rene Mark Cuarto matapos maagaw ang titulo laban kay “Kid Pedro Heneral” Pedro Taduran via unanimous decision, Sabado ng hapon sa Bula Gym sa General Santos City.
Nakamit ng 24-anyos mula Jose Dalman (Ponot), Zamboanga del Norte ang pagpabor ng tatlong hurado sa paggawad sa kanya ng pare-parehong 115-113 na madikitang puntos upang makuha ang kauna-unahang world title laban sa nagdedepensang kababayan.
Ipinamalas ni Cuarto (19-2-2, 11KOs) ang mga counter-punching skills, kontra sa agresibong atake ni Taduran (14-3-1, 11KOs), bagamat matipid sa mga bitaw, ngunit malinis ang mga patama ay siyang nakita at pinaboran ng mga hurado.
Naitala ng Zamboangeno angikatlong sunod na panalo, na huling lumaban noon pang Disyembre 15, 2019 laban kay Jayson Francisco sa pamamagitan ng 5th round TKO sa Robinsons Mall Atrium, General Santos City. “Maganda yung laban namin ni Pedro, Matibay si Pedro,” pahayag ni Cuarto matapos ang laban sa panayam sa kanya ng Powcast Sports. “Sure na sure na ako kase pinag-aralan namin 'yung style niya, kaya ‘yung mga pinag-aralan namin ang talagang lumabas sa fight. Happy naman ako na naging ganun ang desisyon, matagal ko rin itong pinaghirapan ang lahat ng ito at dininig ng Panginoon 'yung mga panalangin ko, natupad 'yung mga pangarap ko,” dagdag nito hinggil sa ginawang preparasyon at paghahanda sa naturang laban.
Commenti