ni Gerard Arce @Sports | February 25, 2024
Mga laro sa Martes (Philsports Arena)
4 n.h. – NXLed vs PLDT
6 n.g. – PLDT vs Choco Mucho
Hindi nagpaawat sa mabilis na ratsada ang Chery Tiggo Crossovers upang ikamada ang ikalawang sunod na panalo para sa maagang liderato matapos sagasaan ang baguhang Strong Group Athletics sa bisa ng straight set sa 25-12, 25-17, 25-19, sa unang laro ng nakalatag na triple-header ng 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Pakitang-gilas si 2022 Reinforced Conference MVP Mylene Paat ng doble pigura para pagbidahan ang atake ng Chery Tiggo sa 10 puntos mula sa siyam na atake at isang service ace upang dalhin sa malinis na 2-0 kartada ang koponan, habang ipinalasap naman sa Strong Group ang magkasunod na pagkatalo matapos yumuko sa Petro Gazz Angels sa straight set noong opening day.
“Siyempre yung past two games namin malaking tulong sa amin lalo na sa pagpasok ng mga bagong players at decision-making ng coaches na lahat kami ready talaga at magagamit namin lahat against sa choco mucho next game,” pahayag ni Paat matapos ang laro para sundan ang panalo laban sa baguhan ding Capital1 Solar Energy.” Lahat naman ng teams at players, pinag-aralan namin sila, gayundin yung SGA, talagang nirerespeto namin ang lahat ng mga kalaban namin.”
Sumegunda naman sa 29-anyos na dating Adamson University Lady Falcons si Ennajie “EJ” Laure na ipinalo lahat ng puntos sa atake, gayundin ang tig-pitong puntos nina Czarina Carandang at Princess Anne Robles kasama ang anim na excellent digs, habang may ambag sina team captain Abigail Marano ng anim na puntos at Ejiya “Eya” Laure sa 5 puntos
Comments