top of page
Search
BULGAR

Crossovers giniba ang winning streak ng CCS

ni Gerard Arce @Sports | March 17, 2024





Mga laro sa Martes (FilOil Ecooil Arena, San Juan)


4 n.h. – Strong Group vs Cignal


6 n.g. – Choco Mucho vs PLDT 


Tinapos ng Chery Tiggo Crossovers ang 19-game winning streak ng Creamline Cool Smashers kasunod ng mainit na laro ni Eya Laure at magandang depensa ni Jennifer Nierva tungo sa pambihirang sweep sa 25-18, 26-24, 25-23 straight set sa unang laro ng nakalinyang triple-header kahapon sa 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na isinagawa sa Sta, Rosa Sports Complex sa Laguna.


Tumapos ang 5-foot-10 spiker ng kabuuang 14 puntos mula sa 12 atake at dalawang service ace, kasama ang apat na excellent receptions upang tuldukan ang matagal na pananalasa ng Cool Smashers sa liga na planong duplikahin ang ginawang pangwawalis sa kabuuang kumperensya nung nagdaang season.


Sumegunda naman sa iskoran si Czarina Carandang sa 12pts mula sa siyam atake at tatlong blocks, gayundin si Ara Galang na gumawa ng 10pts kasama ang anim na excellent digs. Nag-ambag rin si dating conference MVP Mylene Paat ng siyam puntos at Abigail Marano ng anim, habang namahagi naman si Alina Bicar ng 12 excellent sets at ang magandang floor defense ni Nierv ana kumaala ng double-double sa 20 excellent digs at 10 excellent receptions. “Masayang-masaya kami, kase back nung championship last conference nanood po kami ng entire game, sonbrang amaze kami, napatanong ako kung paano namin matatalo ang Creamline, kase system wise, solid ang sistema nila, attackers, defense, passing, even kapag nag-scout kami sa kanila, ‘di namin alam kung paano namin sila bubutasan eh,” pahayag ni Laure matapos ang laro na nakabawi sa dalawang sunod na pagkatalo kontra Choco Mucho Flying Titans at Farm Fresh.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page