top of page
Search
BULGAR

Crossovers at Angels, agawan sa q'finals, Titans susubukin ng Hitters

ni Gerard Arce @Sports | August 22, 2024



Sports News
Photo: Chery Tiggo Crossovers at Petro Gazz Angels / Premier Volleyball League

Mga laro ngayong araw (Huwebes)

(FilOil EcoOil Centre)

1 n.h. – Creamline vs Zus Coffee

3 n.h. – PLDT vs Choco Mucho

5 n.h. – Chery Tiggo vs Petro Gazz 


Daraan sa krusyal na giyera ang back-to-back finalists na Choco Mucho Flying Titans kung mananatiling uusad ito sa quarterfinals laban sa magandang sagap ng PLDT High Speed Hitters, habang puwestuhan na lamang patungong quarterfinals ang hanap ng Chery Tiggo Crossovers at defending champions na Petro Gazz Angels sa main game sa triple-header na aksyon sa the Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong Huwebes sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Kinakailangang maitawid ng 2-5 na rekord na  Titans ang laban kontra Hitters na tangan ang 5-2 kartada, katabla ang Tiggo at Cool Smashers, na pare-parehong sasabak sa magkakahiwalay na laban ngayong araw.


Kasalukuyang naghahabol ang Titans sa likod ng Farm Fresh Foxies na may 3-5 marka. Sakaling manaig ang Titans sa 2 puntos na kalamangan ay aabante ito sa knockout quarterfinals kaharap ang walang talo at top seed na Akari Chargers na eight seed.


Sakaling matalo ang Titans sa PLDT sa 5th set,  isang puntos lamang ang maibibigay sa  Titans na malalaman sa bisa ng knockout game kontra Foxies dahil sa pagkakatabla, habang kung mananalo ang PLDT sa tatlo o apat na set ay didiretso ang Foxies sa quarters.


Tumindi naman ang pangangailangan ng Titans na manalo vs. PLDT matapos mabigo sa CCA sa straight set noong Sabado sa MOA Arena, habang magpapatibay naman ang CCS  sa ikatlong pwesto laban sa Zus Coffee Thunderbelles sa pambungad na aksyon. 

0 comments

Recent Posts

See All

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page