ni MC - @Sports | December 10, 2022
Simula na ang bakbakan sa quarterfinals ng World Cup ng apat na team sa pagitan ng Croatia vs Brazil sa Education City Stadium ng kagabi habang ang Netherlands vs Argentina sa Lusail Stadium ngayong araw sa Qatar.
Unang tinalo ng Croatia ang South Korea sa 4-1 sa round-of-16 para umabot sa q'finals kontra nakakatakot na Brazilian squad at ngayon ay pakay naman ang ika-6 na World Cup semifinals.
“Brazil is the favourite, let’s face it,” ayon kay Croatia manager Zlatko Dalic sa reporters ng Doha noong Martes. “Brazil is the most powerful and the best national team at the World Cup.”
Nagpahinga naman si Neymar ng Brazil dahil sa ankle injury kontra Serbia, na naging napakahusay na laro vs. South Korea at maisalpak ang ika-76th goal. Ang Paris Saint-Germain forward ay may isang goal na lamang para makapatas si Pele na may 77 goal bilang Brazil's all-time highest scorer. Maaring makapantay ni Neymar, 30 ang iskor ni Pele sa paghahabol ng team mula sa itinatak ng legendary footballer, 82-anyos na naospital noong nakaraang linggo dahil sa respiratory infection bunga ng colon cancer.
Ang Croatia naman na tinigpas ang Japan, 3-1 bunga ng penalties sa first elimination match ay tumabla sa 1-1 para sa ikatlong tie ng torneo, bukod sa pagtigpas sa Canada, 4-1 ay sasalang bilang underdog sa kabila ng runner-up finish sa 2018 World Cup.
Ang Netherlands naman ay inilaglag ang U.S. sa round of 16. Para naman sa Argentina, maaring ito na ang pang-lima at huling World Cup ni Lionel Messi.
Comments