top of page
Search
BULGAR

Crime rate, patuloy na bumababa

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 19, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Magandang balita ang patuloy na pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa.

Batay sa anunsyo ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa bansa ang index crimes ng 23.73 percent mula late November last year hanggang mid-January ngayong taon.


Ayon naman sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot sa 768 ang bilang ng index crimes (murder, robbery, theft, rape at vehicle theft) sa Metro Manila mula Nov. 23, 2024 hanggang Jan. 15, 2025.


Ito ay mas mababa kumpara sa 1,007 na naitala sa parehong period noong nakaraang taon.


☻☻☻


Sinabi rin ng NCRPO na nakaaresto sila ng 976 most wanted persons at 1,190 na iba pa na nasa wanted list.


Samantala, 349,465 indibidwal naman ang naaresto ng NCRPO dahil sa paglabag sa mga local ordinances sa Metro Manila.


Bukod dito, umabot na sa P153 million na ng illegal drugs at P928,071 na halaga ng bet money mula sa illegal gambling ang nasabat ng mga kapulisan mula Nov. 23, 2024

hanggang Jan. 15, 2025.


Nasa 352 indibidwal naman at 364 firearms sa Metro Manila ang nahuli at nakumpiska ng kapulisan dahil sa pinaigting na programa kontra illegal firearms.


☻☻☻


Nakakatuwa dahil tuluy-tuloy ang pagbaba ng crime rate sa bansa.


Noong Oktubre lamang ng nakaraang taon inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na bumaba ng 62% ang crime rate sa bansa sa loob ng dalawang taon ng administrasyon.


Dagdag pa niya, nagtala ang PNP ng 83,059 crime incidents mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024 na mas mababa sa 217,830 incidents na naitala sa parehong period mula 2016 hanggang 2018.


Good job sa ating mga kapulisan at sana ay ipagpatuloy niyo pa ang pagsiguro sa kaligtasan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page