top of page

Creamline vs. Petro Gazz na ang maghaharap sa PVL Championship

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 2 min read

Updated: 8 hours ago

ni VA @Sports | Apr. 3, 2025



Photo: Pinamunuan ni Alyssa Valdez ang panalo ng Creamline Cool Smashers laban sa Choco Mucho kagabi para makaharap sa PVL finals ang Petro Gazz Angels. (Reymundo Nillama)



Laro sa Martes (April 8, 2025 4 p.m. Choco Mucho vs. Akari (Battle-for-bronze)

6:30 p.m. Creamline vs. Petro Gazz (Game 1 finals)



Naitakda na ang Petro Gazz Angels kontra Creamline Cool Smashers para sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals.


Umakyat sa huling hakbang ang Cool Smashers sa championship round nang lupigin ang Choco Mucho sa pagwalis ng 3-sets win 25-19, 25-15, 25-15 sa semifinals kagabi sa Araneta Coliseum. Ito ang ika-pitong sunod na finals appearance at kumakaway ang tsansa para sa limang championship crown.


Tumiyak na rin ang 10-time PVL champions na mapalawig pa ang walang bahid na pag-akyat sa podium sa halos 17 kumperensiya. Nagtala ang Creamline ng 2-1 win-loss sa round-robin semifinals kungs aan ang tanging isang pagkatalo ay gawa ng Petro Gazz.


Sa unang laro ng semis, winalis ng Petro Gazz Angels ang Akari Chargers sa bisa ng 25-22, 25-20, 25-18 sets win. Kinumpleto ng Angels ang malinis na 3-0 sweep. Unang nagwagi ang Koji Tsuzurabara-coached squad sa Creamline at Choco Mucho para makuha ang semifinal seat.


Hawak ang dikitang 15-13 na pangunguna, ganado sina Van Sickle, Aiza Maizo-Pontillas, Joy Dacoron, at MJ Phillips para pangunahan ang 10-5 run, at tuluyang iselyo ang panalo.


Nakapag-ambag mula sa humaliling manlalaro si Nicole Tiamzon para sa pinal na lakas ng block kill at tiyakin ang straight-sets sa loob lamang ng 95 minuto. Namuno si Myla Pablo para sa Petro Gazz nang makagawa ng 16 points at 11 spikes, 4 blocks, at ace.


Nagmarka sa kanyang ikalawang sunod na laro ang bigat ng net defense, kasunod ng five-rejection performance laban sa Choco Mucho. Ang Choco Much at Akari Chargers naman ang haharap sa bronze medal match.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page