ni GA - @Sports | April 25, 2022
Inaabangan na ang mega boxing event na maaaring mangyari sa susunod na ilang buwan — ang pagtatapat nina unified IBF/WBC at newly crowned WBA (super) welterweight champion Errol “Truth” Spence, Jr. at WBO 147-pound titlist Terence “Bud” Crawford – matapos na magkasundo ang dalawa na tapusin na paghihintay ng mga boxing fans upang matukoy ang pinakamahusay na boksingero sa welterweight at maituturing na pound-for-pound fighter sa larangan ng boksing.
“Everybody knows who I want next, I want Terence Crawford next,” bulalas ni Spence, Jr. kasunod ng 10th round TKO victory kontra kay Yordenis “54 Milagros” Ugas noong nakaraang Linggo nang umaga sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.
“That's the fight that I want. That's the fight that everybody wants. I'm going to go over there and take his shit too. Terence, I'm coming for that motherf---ing belt."
Sumegunda naman ang 34-anyos na three-division World champion na si Crawford sa kanyang Twitter account nang ipahayag ang kanyang kagustuhang matuloy na ang inaasam na bakbakan at sagupaan sa ibabaw ng ring.
“@ErrolSpenceJr congratulations great fight. Now the real fight happens. No more talk, no more side of the street. Let’s go!!!” pahayag ni Crawford sa kanyang opisyal na Twitter account nitong Linggo na matagumpay namang nadepensahan ang korona nang limang beses laban kina Jose Benavidez, Jr., Amir Khan, Egidijus Kavaliauskas, Keli Brook at noong Nobyembre 20, 2021 kay dating welterweight champ Shawn “Showtime” Porter na nagtapos sa 10th round TKO.
Matatandaang hindi matuloy-tuloy ang pagtatapat nina Spence at Crawford dahil sa pagkakaiba ng promotional outfits ng mga ito — si Spence ay nasa poder ng Premier Boxing Champions ni Al Haymon, habang nasa ilalim ng Top Rank Promotions ni Bob Arum si Crawford – subalit, nagdesisyon si Crawford na lisanin ang Top Rank upang hanapin ang tsansang makatapat ang 32-anyos mula DeSoto, Texas.
“I’m pretty sure my decision is made already,” wika ni Crawford sa naunang panayam ni Kevin Iole ng Yahoo Sports.
Comentários