ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 5, 2020
Nagsimula nang mag-distribute ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa Moscow, Russia sa pamamagitan ng 70 clinic ngayong Sabado.
Ayon sa task force ng Russia, uunahing mabakunahan kontra-COVID ang mga medical workers, guro at social workers.
Pahayag ni Mayor Sergei Sobyanin, "Over the first five hours, 5,000 people signed up for the jab — teachers, doctors, social workers, those who are today risking their health and lives the most."
Samantala, pinagbawalan namang magpabakuna ang mga buntis at ang iba pang may kapansanan.
Ang Sputnik V ay isa sa dalawang COVID-19 vaccines na na-develop ng Russia sa tulong ng Russian Direct Investment Fund. Ang isa pang vaccine ay na-develop sa tulong ng Siberia's Vector Institute at kasalukuyan pang isinasailalim ang dalawa sa final trial.
Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga siyentipiko sa agarang pag-distribute ng Russia ng bakuna dahil hindi pa umano tapos ang trials sa mga ito.
Comments