top of page
Search
BULGAR

COVID restrictions, luluwagan na… Bisita sa bahay, puwede na, bars at resto, bukas na rin sa Norway


ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021



Luluwagan na ang COVID-19 restrictions sa Norway simula sa Linggo, June 20, kung saan maaari nang tumanggap ng 20 bisita sa mga bahay at maaari na ring magbukas ang mga bars at restaurants hanggang gabi, ayon kay Prime Minister Erna Solberg.


Papayagan na rin ang mas maraming manonood sa mga sports arena simula sa Linggo, ayon kay Solberg.


Aniya, bubuksan na rin sa mga overseas visitors ang Norway ngunit required pa rin ang testing at kailangan pa ring sundin ang mga quarantine requirements.


Saad ni Solberg, "The infection situation is still unpredictable in many parts of the world, and there is uncertainty linked to mutations.”


Samantala, nakapagtala ang Norway ng 130,000 kaso ng COVID-19 simula nang tumama ang pandemya noong nakaraang taon at ang kabuuang bilang naman ng mga nasawi ay 790.


Ayon sa Norwegian Institute of Public Health (FHI), 33% ng adult population ng Norway ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 habang 16% ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.


留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page