top of page
Search
BULGAR

Covid patients sa India, sa kotse na namamatay

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 3, 2021




Nagpadala ng pandemic aid ang iba’t ibang bansa sa India upang matulungan ang healthcare system nito laban sa lumalaganap na COVID-19.


Kabilang ang United States, Russia at Britain sa mga nag-donate ng oxygen generators, face masks at mga bakuna. Nagpadala rin ang United Kingdom ng 495 oxygen concentrators, 200 ventilators at 1,000 oxygen ventilators. Ang France nama’y nagdagdag din ng 8 oxygen generator plants at 28 ventilators na donasyon sa India.


Sa huling tala, umabot na sa 19,919,715 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India, kung saan 16,281,738 ang mga gumaling. Mahigit sampung araw na ring magkakasunod na pumapalo sa halos 300,000 ang nagpopositibo sa naturang virus.


Samantala, 218,945 naman ang iniulat na mga pumanaw sa India at dulot ng kakulangan sa libingan ay isinasagawa na nila ang mass cremation, kung saan magkakasamang sinusunog ang katawan ng mga namatay sa COVID-19.


"People are sometimes dying in front of the hospitals. They have no more oxygen. Sometimes they are dying in their cars,” paglalarawan pa ni Germany Ambassador to India Walter J. Lindner.


Sa ngayon ay tinatayang 147,727,054 na ang mga nabakuhan sa India kontra COVID-19 at karamihan sa Indian nationals ay desperado nang mabakunahan upang hindi mahawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page