top of page
Search
BULGAR

COVID-free barangay sa loob ng 2 buwan, may P100 K na dagdag-budget

ni Lolet Abania | August 31, 2020




Magbibigay ng P100,000 ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga barangay na walang maitatalang bagong COVID-19 cases sa susunod na dalawang buwan o mula September 1 hanggang October 31, ayon kay Mayor Isko Moreno.


Sa Facebook Live, sinabi ni Moreno na maglalaan ang city government ng P89.6 million budget para rito, kung saan inaasahang lahat ng 896 barangay ay magagawa ang naturang hamon.


“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksiyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” sabi ni Moreno.


“Kapag walang naitala sa inyong barangay na new infection, kahit mayroon ngayon ay hindi ‘yon kabilang. So anything na maitala na zero from September 1 to October 31, kayo po ay makakatanggap mula sa pamahalaang lungsod ng additional P100,000 sa inyong mga budget,” dagdag niya.


Ayon pa kay Moreno, hindi lamang ito makatutulong sa lokal na pamahalaan, kundi maging sa national government upang patuloy na malabanan ang pagkalat ng coronavirus.


Bukod sa dagdag na budget, makatatanggap ang mga barangay official ng plaque of appreciation mula sa pamahalaang lungsod para bigyang pagkilala sa kanilang pagsisikap.


Samantala, nakapagtala ng 8,110 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 6,911 nakarekober ang Manila.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page