ni Madel Moratillo | May 7, 2023
Binawi na ng World Health Organization (WHO) ang global health emergency declaration sa COVID-19.
Gayunman, babala ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, hindi ito nangangahulugan na wala na ang panganib na dala ng virus.
Pwede pa rin umanong ibalik ang emergency status kung magbago ang sitwasyon.
Dahil dito, pupulungin ng Department of Health (DOH) ang Inter-Agency Task Force against COVID-19 para matukoy ang mga pagbabago sa ipinatutupad na minimum health standards sa bansa.
Sa isang pahayag sinabi ng DOH na lahat ng kanilang gagawing aksyon ay nakabatay sa proklamasyon ng WHO.
Anumang mapagkasunduan ng IATF ay ihihingi umano ng approval sa Pangulo.
Comments