top of page
Search
BULGAR

COVID cases, tumaas

ni BRT | April 30, 2023




Tumaas pa sa 14.3% ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas o porsyento ng nagpopositibo sa virus mula sa mga indibidwal na nasuri ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.


Base sa data mula sa Department of Health (DOH), iniulat ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, Jr. na nakapagtala ang bansa ng 858 na bagong dinapuan ng sakit, 525 ang bagong gumaling at nasa 5,293 aktibong kaso at wala namang nasawi.


Mayroon ding 331 COVID-19 cases ang naitala sa National Capital Region, 55 sa Laguna at 49 sa Cavite.


Samantala, nananatili namang mababa ang naitalang nasawi at hospitalization rate sa Metro Manila na nasa 22%.


Una rito, inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na dapat mapanatiling mas mababa sa 5% ang COVID positivity rate upang matiyak na kontrolado ang hawahan ng coronavirus.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page