ni Jasmin Joy Evangelista | September 4, 2021
Nakikita ng Department of Health na maaaring umabot sa 17,000 hanggang 43,000 ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre.
Ito ay dahil umano sa patuloy na pagkalat ng Delta variant sa bansa.
“With all of these assumptions, 'pag nagbigay tayo ng projections, it doesn’t mean na mangyayari. Ginagamit 'yan for planning purposes. Para alam namin ilan 'yung darating na kaso and we can be able to prepare for that," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Dahil dito, patuloy na ipinapayo ng mga eksperto ang pagsunod sa minimum health protocols, pag-a-isolate sakaling makaramdam ng sintomas, pagbibigay-alam sa mga nakasalamuha sakaling magpositibo sa virus, at pagkain ng masusustansiyang pagkain.
Dahil nga sa paglaganap ng Delta variant, patuloy na nakaantabay ang mga eksperto rito, ayon sa World Health Organization.
Habang patuloy daw kasi ang hawahan ay nariyan ang posibilidad ng mutation.
"Talagang mataas pa ang transmission ng virus kaya mataas pa ang mutation. Importante talaga na ma-stop na natin ang transmission na 'yan," ani Dr. Nina Gloriani ng Vaccine Expert Panel.
Comments