ni Madel Moratillo | April 19, 2023
Sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi pa rin inirerekomenda ng Department of Health na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask.
Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, kahit tumataas ang mga kaso, ito naman ay hindi pa dapat ikabahala.
Nananatili pa rin aniyang manageable ang health system ng bansa.
Sa monitoring ng DOH, mula sa 274 kaso kada araw nitong nakaraang linggo ay 371 ang naitalang kaso kada araw ngayon.
Ang COVID positivity rate naman, tumaas din mula sa 6.9% sa 7.6%.
Paalala lang ni Vergeire sa publiko, tignan ang sitwasyon kung kailangan mag-face mask o hindi.
Comments