top of page
Search
BULGAR

COVID cases kahit tumataas.. DOH: Huwag mag-panic

ni Madel Moratillo | May 5, 2023




Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi dapat mag-panic ang publiko sa kabila ng tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.


"We don't need to panic. Ang tinitignan na natin kasi po ngayon 'yung healthcare system capacity, if it's manageable then we are good," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.


Ayon pa kay Vergeire, nag-a-average sa 822 kaso kada araw ang mga kaso ng COVID, 79 porsyento na mas mataas sa nakalipas na 2 linggo. Karamihan umano rito'y mild at asymptomatic, at wala ring masyadong naoospital.


Inabisuhan na umano ang mga ospital na ihanda ang COVID beds sakaling tumaas pa ang mga kaso.


Ipinaliwanag pa ni Vergeire na posibleng tumataas ang mga kaso dahil sa mga variant ng COVID-19, "mobility" ng populasyon, at vulnerability ng indibidwal.


Sa ngayon, wala pang plano ang DOH na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask.


0 comments

Recent Posts

See All

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page