top of page
Search
BULGAR

COVID-19 vaccine trial sa edad 6, inumpisahan na

ni Lolet Abania | February 14, 2021





Sa unang pagkakataon, naglunsad ang Oxford University ng pag-aaral upang suriin ang bisa ng kanilang nagawang vaccine katuwang ang AstraZeneca Plc para sa mga kabataan.


Ayon sa inilabas na pahayag ng Oxford, aalamin nila sa panibagong mid-stage trial kung magiging epektibo ang vaccine sa mga edad 6 hanggang 17.


Gayundin, sinabi ng unibersidad na nasa 300 volunteers ang kanilang kukunin kung saan inaasahang gagawin ang unang batch ng inoculation nitong Pebrero.


Hinimok naman ng Oxford na magparehistro at maging volunteer ang mga nakatira malapit sa apat na study sites, ang University of Oxford; St. George’s University Hospital, London; University Hospital Southampton at Bristol Royal Hospital for Children para sa pag-aaral.


Ang mga nais namang maging volunteer sa trial ay kailangan lamang sumagot sa maikling questionnaire. Samantala, mahigit sa 200 milyong doses kada buwan ang gagawin ng AstraZeneca pagsapit ng Abril dahil sa kanilang target na magkaroon ng 3 bilyong doses ngayong taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page