ni Thea Janica Teh | December 12, 2020
Pinayagan na ng United States Food and Drug Administration ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc. nitong Biyernes at ito na umano ang pinakamalaking turning point ng US kung saan 292,000 katao ang namatay dahil sa virus.
Napatunayang epektibo ng 95% ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc at BioNTech sa late-stage trial nito.
Ayon sa US FDA, ibibigay ang vaccine sa mga taong may edad 16 pataas.
Uunahing mabigyan ng halos 2.9 milyong doses ng vaccine ang mga health care workers at matatandang nasa long-term care facilities.
Sinundan ng US ang United Kingdom at Canada sa approval ng paggamit ng COVID-19 vaccine na gawang Pfizer-BioNTech.
Commenti