top of page
Search
BULGAR

COVID-19 vaccine mandate, pinag-aaralan ng Metro Mla. mayors

ni Lolet Abania | December 29, 2021


Pinag-aaralan na ngayon ng Metro Manila ang pagpapatupad ng COVID-19 vaccine mandate sa nasabing rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa isang radio interview ngayong Miyerkules, sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na ang Metro Manila Council (MMC) na kinabibilangan ng 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) ay inaprubahan ang isang resolusyon para bumuo ng isang technical working group upang manguna sa gagawing pag-aaral.


“Actually, approved na nga pala,” sabi ni Abalos. “Ang resolution is gagawa kami ng technical working group ng Metro Manila Council together with the IATF para tingnan ‘yung feasibility ng having ng vaccination mandate,” sabi pa niya.


Ipinaliwanag naman ni Abalos na ang vaccination mandate ay pagtatakda ng mga vaccination cards bilang requirement para sa pagpasok o pagbisita ng mga indibidwal sa ispesipikong lugar.


Aniya pa, pinag-aaralan din nila ang legalidad ng gagawing mandato.


Samantala, nitong Martes ayon sa OCTA Research group, ang daily positivity rate sa NCR ay tumaas ng mahigit sa 5%.


Ang positivity rate ay patungkol sa percentage ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa testing.


Nagbabala naman si OCTA Research fellow Dr. Guido David sa publiko na ang pagsirit ng COVID-19 ay maaaring higit pa sa tinatawag na “a holiday uptick”.


“There is now concern that this is not just a holiday uptick. Please be advised that the situation is changing in the NCR and we must now be very mindful of minimum public health standards,” sabi ni David.

0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page