top of page
Search
BULGAR

COVID-19 patients ng Hospicio, inilipat na sa isolation facility

ni Jasmin Joy Evangelista | August 29, 2021



Inilipat na ngayong Linggo ang mahigit 30 COVID-19 patients ng Hospicio de San Jose Orphanage sa kabubukas lang na isolation facility ng Philippine Red Cross sa Adamson University.


Noong nakaraang Linggo ay humingi ng cash donations ang orphanage dahil sa 80 Covid patients dito kabilang ang mga bata at ilang personnel.


Ayon sa presidente ng Hospicio de San Jose na si Sister Maria Socorro Pilar Evidente, mabilis na lumaganap ang Covid sa kanila nitong Agosto.


"'Di ma-trace. It's quite rapid 'di tulad noong April to June, dahan-dahan ang pagtaas ng bilang ng cases. Ito, in a matter of weeks, 80 na," ani Evidente.


Dagdag pa niya, sa 80 kaso na ito ay dalawa ang severe cases na agad namang dinala sa ospital habang ang 78 naman ay kasalukuyan pang nagpapagaling.


Nitong Sabado, umabot na sa 1,817 ang kaso ng COVID-19 cases sa Maynila, ayon sa Public Information Office ng siyudad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page