ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| August 12, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Mahiwaga ang COVID-19 dahil sirang-sira ang mga eksperto, hindi lang dito sa ating bansa kundi maging sa buong mundo.
Sa una, kumikilos at nagkakaisa ang lahat dahil sa paniniwalaang kakayanin ng mga dalubhasa ang COVID-19 kaya inakala nila na hindi ito sobrang lalaganap sa mundo.
Sa ganitong sitwasyon, makikitaan ng sobrang pagkalito, hindi lang ang mga tao, gobyerno kundi maging ang mga nasa larangan ng medisina.
Sa una, maaalala natin na walang tigil sa pagsasabing huwag mag-facemask ang mga tao dahil ito ay para lang sa mga health workers, frontliners at sa mga taong may sakit na. Kumbaga, kapag wala kang sakit at hindi ka frontliner, huwag ka nang mag-facemask.
Iba na ngayon, lahat ay pinagagamit na ng facemask at base sa balita, ang lahat ay inuutusang mag-facemask kahit sa loob ng bahay, pero noong una ay sinasabing hindi huhulihin o walang anumang paglabag sa batas ang mga hindi naka-facemask sa loob ng bahay.
Hindi katagalan, ang face shield ay para lang din sa mga frontliners, pero ngayon, lahat ng lalabas ng bahay ay dapat na ring naka-face shield.
Nakagugulat ang mga balitang ganito dahil hanggang ngayon ay hindi naman inaamin ng Department of Health (DOH) na ang “airborne” ay isa sa mga paraan para mahawa, pilit nilang sinasabi na may contact sa virus ang sistema ng hawaan.
Kaya huwag na tayong magulat kung makikita nating naka-face sheild ang mga senator at congressman sa session at maging ang mga nagmi-meeting na opisyales ng gobyerno ay makikita natin na naka-facemask na, naka-face shield pa.
Bukas kaya, ano na? Dahil hindi pa naman bumubuti ang kalagayan ng pandemya, hindi nakapagtataka kung bukas-makalawa ay naka-full body armor na ang mga tao.
Ganu’n siguro talaga ang buhay sa mundo, may mga bagay at pangyayari na kahit tayo ay nasa modernong panahon ay nananatiling mahiwaga tulad ng COVID-19.
Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa at hindi rin puwede na hindi tayo kikilos, mag-isip at gumawa ng paraan. Ito lamang ang tunay na susi kung paano nakaliligtas ang mga tao sa salot na dinanas na at maaaring danasin pa.
May isang pandak na tao, siya ay minamaliit ng kanyang mga kasabayan at maging ang kanyang ama ay minamaliit din siya at madalas siyang sabihan nang pasigaw na wala siyang pag-asa at siya ay malaking failure kahit siya ay pandak. Nakakatawa na nakakaawa ang naging bahaging ito ng kanyang buhay. Dahil sa sinabi ng kanyang ama, ang mga tao ay muli, natatawa na naaawa sa kanya.
Pero siya ay sumikat sa buong mundo dahil sa hindi maintindihan ng maraming tao na formula na kanyang ibinandera na “E = mc2.” Siya ay walang iba kundi si Albert Stain.
Itutuloy
Comments