top of page
Search
BULGAR

COVID-19 info na makukuha sa mga tsismosa, kukumpirmahin — PNP

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 25, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) ang kontrobersiyal na paghingi ng COVID-19 information sa mga tsismosa para sa pagsasagawa ng contact tracing ng mga positibo sa corona virus.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, “Itong activity natin na ‘to ay basic lamang na pagtanong ‘yan sa barangay.

“Magtanong ka lamang ng isa diyan, ‘yung nagtitinda ng taho o kaya naman ‘yung nagtitinda ng sorbetes, eh, malalaman mo kung sino ‘yung mga posibleng nagpositibo o may sakit na COVID-19.”

Aniya, “Kaagad naman itong ipapasa natin sa ating mga contact tracers, sa pangunguna ng ating health workers para kumpirmahin kung talagang… validated ‘yung mga ganitong tsismis.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page