COVID-19, 4th wave na… Nightclubs, karaoke bars, bawal uli sa South Korea
- BULGAR
- Apr 9, 2021
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 9, 2021

Muling nagpatupad ang South Korea ng nightclub at karaoke bar ban dahil sa banta ng 4th wave ng COVID-19. Ipinagbabawal din ng awtoridad ang operasyon ng iba pang nightly entertainment facilities.
Ayon kay Prime Minister Chung Sye-kyun, epektibo ito simula sa Lunes at magtatagal nang 3 linggo matapos makapagtala muli ang S. Korea ng mataas na kaso ng COVID-19.
Mananatili rin umano ang dining curfew na 10 PM at ang pagbabawal sa gatherings ng higit sa apat na katao.
Pahayag ni Chung, "Signs of a fourth wave of epidemics that we had so striven to head off are drawing nearer and becoming stronger.
"We will maintain the current distancing level, but actively reinforce various specific measures depending on the situation."
Nakapagtala ang Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) ng 671 bagong kaso ng COVID-19 noong Huwebes at ang total number of infections sa naturang bansa ay umabot na sa 108,269, at umakyat na rin sa 1,764 ang death toll.
Comments