ni Jasmin Joy Evangelista | February 24, 2022
Inanunsiyo ng Couples for Christ (CFC) international council (IC) nitong Miyerkules ang kanilang suporta kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
Sinabi ng council ng Catholic lay ecclesial movement ito ay napagdesisyunan nila matapos ang tinatawag nilang “circle of discernment” process noong Linggo, February 20.
Ito ang unang pagkakataon na nag-anunsiyo ng pagsuporta ang council para sa isang kandidato.
“We began our discussion of the criteria on the premise and realization that there is no perfect candidate. At the end of our prayerful immersion and meaningful discussion, the members of the IC reached the decision to support the presidential candidacy of Leni Robredo,” pahayag ng CFC-IC sa isang pastoral letter.
Pero sa kabila ng kanilang public endorsement kay Robredo, kinikilala umano nila ang karapatan ng bawat miyembro na pumili ng kanilang napupusuang kandidato.
“Thus, we are not imposing this decision on everyone,” ayon pa sa pahayag.
“As has been our policy over the years, we do not and will not endorse candidates because we do not want to see CFC as an institution imposing bloc voting on the brethren.”
Hinikayat din nila ang mga miyembro ng CFC na pag-isipang mabuti ang pagpili ng kandidato tulad ng prosesong isinagawa ng council.
“Should your decision differ from ours, we will respect your choice in the spirit of love and brotherhood that has characterized and will continue to characterize, our being CFC,” paliwanag pa nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Robredo ang isang Catholic organization
Ang pamunuan ng Council of the Laity of the Philippines ay inendorso rin si Robredo.
Nagpahayag din umano ng suporta sa tambalang Robredo-Pangilinan ang nasa 569 na mga Pilipinong pari, madre, religious brothers, at deacons, ayon kay vice presidential candidate at Senador na si Francis Pangilinan.
Comments