ni Lolet Abania | June 17, 2021
Isang 36-anyos na COVID-19 patient ang nanganak sa quarantine facility sa Tolosa, Leyte ngayong Huwebes nang umaga.
Ayon sa Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Tolosa, isinailalim sa RT-PCR test ng COVID-19 ang babae na isa sa mga requirements ng ospital bago siya nanganak.
Subalit, nagpositibo siya sa swab test kaya dinala siya ng MDRRMO Tolosa sa quarantine facility ng naturang lugar noong Miyerkules. Bandang alas-6:00 ng umaga nitong Huwebes, inabutan ng panganganak ang babae.
Isang malusog na sanggol na lalaki ang isinilang ng ginang, kung saan siya ay normal delivery. Mananatili sa isolation facility ang mag-ina hanggang sa matapos ang kanilang 14-day quarantine.
Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang mga awtoridad kung tinamaan din ng COVID-19 ang beybi.
Kommentare