ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 17, 2021
Tatanggap na muli ang Philippine General Hospital (PGH) ng mga COVID-19 patients sa Martes matapos ang pinsalang idinulot ng sunog na nagmula sa ikatlong palapag ng ospital noong Linggo.
Pahayag ni Hospital Chief Gerardo Legaspi, “Tuluy-tuloy ang pagtanggap sa COVID patients pero humingi ako ng isang araw lang na itigil muna ang pag-transfer hangga’t ma-stabilize ang paglipat ng pasyente at ‘yung amoy ng usok [matanggal] kasi kahit papaano, may amoy pa rin ang wards, eh.
“Kini-clear up namin ‘yung amoy ng usok bago punuin ng pasyente. Itong araw na ito, baka hindi pa kami makakalipat ng pasyente, but tomorrow, we will resume accepting COVID-19 patients in PGH.”
Ayon kay Legaspi, aabot sa 30 pasyente na positibo sa COVID-19 ang naapektuhan ng insidente at kinailangang ilipat sa ibang area ng ospital.
Samantala, aabutin umano ng 3 hanggang 4 na buwan bago makabalik sa normal operations ang bahagi ng ospital na naapektuhan sa insidente, particular na ang limang sterilization units.
“Ang tantiya po namin, mababalik ang normal operation ng ORSA, siguro mga tatlo o apat na buwan po, with the construction considered,” ani Legaspi.
Comments