SA PHONE PA NAKIKIPAG-BREAK.
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 05, 2021
Hindi na pala dapat pagtakhan pa ang ginawang pakikipag-break ni Derek Ramsay kay Andrea Torres na idinaan lang sa telepono at walang nangyaring closure at pormal na pakikipaghiwalay.
Ginawa rin pala ito ni Derek nang makipag-break kay Angelica Panganiban na 5 years niyang nakarelasyon. Nasa Boracay daw noon si Derek nang tumawag kay Angelica at nagkaroon sila ng matinding argumento na nauwi nga sa breakup.
Sa isang interview para sa isang fan magazine ay ipinagtapat nga ni Angelica ang ginawa sa kanya ni Derek na tinawag niyang “controlling boyfriend”. At hindi man lang daw nag-effort noon ang aktor na tulungan siyang hanapin ang kanyang biological father na isang US Navy.
Si Solenn Heussaff ay 4 yrs. ding naging GF ni Derek bago si Angelica. Si Joanne Villablanca ang pinakamatagal na umabot nang 6 yrs. at sinasabing si Derek din ang unang nakipaghiwalay.
'Yung kay Cristine Reyes ay isang buwan lang tumagal dahil mas pinili nilang maging magkaibigan na lang.
So, likas na pala kay Derek na siya ang unang bumibitaw sa relasyon at idinadaan na lang sa telepono ang pakikipag-break tulad nga ng ginawa niya kina Angelica at Andrea.
Mangyari rin kaya ito kay Ellen Adarna kahit nakatakda na silang magpakasal?
Mukhang hindi uubra ang pagiging playboy ni Derek kay Ellen. Nakatagpo na siya ng katapat na hindi niya basta-basta puwedeng hiwalayan.
Sobrang na-in love si Derek kay Ellen. 'Wag naman sanang mangyari na si Ellen naman ang biglang umatras sa kanilang kasal.
Comments