ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 18, 2021
Nawawala ang 127 katao matapos tumaob ang barkong sinasakyan ng mga ito sa Mumbai, India ngayong Martes dahil sa Bagyong Tauktae.
Ayon sa Indian navy, kaagad nagpadala ng 2 barko at helicopters sa insidente upang magsagawa ng search and rescue operations.
Tinatayang aabot sa 273 katao ang sakay ng naturang barko at ayon sa defense ministry, 146 sa mga ito ang na-rescue.
Ayon sa awtoridad sa Mumbai, mahigit 10,000 katao ang inilikas at tinatayang aabot sa 600 COVID-19 patients ang dinala sa “safer locations” dahil sa pananalasa ng Bagyong Tauktae.
Noong Lunes nag-landfall ang Bagyong Tauktae sa Gujarat na "extremely severe cyclonic storm", ayon sa Indian Meteorological Department na may lakas ng bugso ng hangin na aabot sa 185 kilometers (115 miles) per hour.
Comments