ni MC @Sports | June 30, 2024
Sa ikatlong pagkakataon muling sasabak si wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa Paralympics sa Paris habang si para athlete Cendy Asusano ay pasok na rin para sa women's javelin throw event.
Inanunsiyo ng Philippine Sports Commission ang kuwalipikasyon nina Mangliwan at Asusano sa Paralympic Games. Unang sumagupa si Mangliwan noong 2016 at 2021 editions sa Paralympics, kung saan naka-gold at silver noong 2022 Asian Para Games.
Nakapagwagi ng anim na gold medals sa tatlong edisyon ng ASEAN Para Games.Nagtapos na 4th place si Asusano sa women's javelin throw F54 event ng World Para Athletics Championship sa Japan noong Mayo ayon sa PSC. Nakasungkit din ng gold medals sa women's shot put at javelin throw F54 events sa ASEAN Para Games sa Cambodia noong 2023.
Ika-6 na para athlete si Asusano na nagkuwalipika sa Para Games ngayong 2024.
Sa pagdiriwang ng 100 taon, sinariwa at binalikan ng Bulgar ang mga mahalagang bagay sa pahina ng Philippine sports history sa Olympic Games mula nang sumali ang bansa noong 1924 bago tinatag ang Philippine Olympic Committee na kilala noong Philippine Amateur Athletic Federation bago binigyan ang bansa ng National Olympic Committee status kung saan si Commonwealth President Manuel Luis Quezon ang unang POC president na nanungkulan hanggang 1935.
Unang sumali ang bansa sa Olympics noong 1924 sa Paris at ang Bicolanong sprinter na si David Nepomuceno ang unang Pinoy na sumali sa 100m at 200m sa Olympics na inorganisa ng International Olympic Committee na kasalukuyang pinamumunuan ni Thomas Bach ng Germany.
Si Simeon Toribio ang unang Pinoy na nanalo ng tanso sa high jump noong 1932 sa Los Angeles. Makalipas ang 4 na taon, si Miguel White ang nanalo ng tanso sa 400m low hurdles-1936 sa Berlin, Germany. Nakatanso si Jose “Cely” Villanueva sa boxing noong 1932 sa Los Angeles. Matapos ang 32 years, nakapilak si Anthony Villanueva sa featherweight boxing noong 1964 sa Tokyo. Si Leopoldo Serrantes ng tanso -1988 sa Seoul at si Roel Velasco-tanso sa boxing- 1992 sa Barcelona. Si Mansueto Velasco -pilak sa boxing-1996 Atlanta.
Si Hidilyn Diaz ay nakapilak sa weightlifting-2016 sa Rio de Janeiro, Brazil. Naka-ginto noong 2020 sa Tokyo at sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ay pilak habang si Felix Eumir Marcial ay tanso sa boxing.
Comments